Michael Jornales sa 'KOK'

Kung ang kanyang mga medal (gold, silver and bronze) sa larangan ng martial arts, particularly sa Taekwondo, ang gagawing basehan, hindi ka na magdududa na ang guwapong celebrity-athlete na si Michael Roy Jornales ay isa ngang certified black belt instructor. Mas nasanay kasi tayong nakikita siya sa mga TV and prints ads, maliban pa sa kanyang mga special TV appearances. Napasok na rin niya ang pelikula kung saan nakasama siya sa Ang TV The Movie, Mison, Wansapanataym The Movie, among others.

Pero hindi pa diyan tumitigil ang showbiz career ng mas batang bersyon ni Monsour del Rosario na ito. Mahilig rin siya sa musika, next to gymnastic, aerobatics and martial arts. Kaya naman hindi nagdalawang isip si Michael na buuin noong 1996 ang pop-rock band na SAGIPBATA, kung saan siya ang lead guitarist (electric and acoustic) at vocals. Abangan ang tigasing gwaping na ito ngayong Lunes hanggang Miyerkules alas-7 ng gabi habang nakikipagkulitan sa Kool DJs, ng Kool on Kam, sa ABC 5.

Show comments