^

PSN Showbiz

"Sa Dulo ng Walang Hanggang" matatapos na!

-
Malapit nang magtapos ang seryeng Sa Dulo ng Walang Hanggan ng ABS-CBN. Mararating din ang dulo ng halos dalawang taong drama na ito sa huling limang episodes na ieere ng ABS-CBN simula Lunes, Pebrero 24. Ang huling episode ng Sa Dulo ng Walang Hanggan ay ipapalabas sa Biyernes, Pebrero 28, sa ganap na 8:30 ng gabi.

Ngayon ay ipinapangako ng ABS-CBN na sunud-sunod ang sorpresa at plot twists na naghihintay para sa mga masugid na tagahanga nina Angeline (Claudine Barretto) at Benjie (Carlos Agassi). Ano ang kahihinatnan ng mga kontrabidang sina Adora (Pilar Pilapil), Ariane (Georgina Sandico), at Sally (Mylene Dizon)? Bakit tila nag-iiba ang ugali ni Nanay Nelia (Helen Gamboa)? Ano ang mangyayari sa mga paborito ng lahat na sina Lola (Gloria Romero), Simang (Eugene Domingo), Clarence (Luis Alandy) at Lucila (Matet de Leon)? At sa wakas ba ay magiging payapa na ang buhay nina Angeline at Benjie?

Panoorin ang huling limang episodes ng Sa Dulo ng Walang Hanggan simula ngayong Lunes, Pebrero 24.

vuukle comment

ANO

BENJIE

CARLOS AGASSI

CLAUDINE BARRETTO

EUGENE DOMINGO

GEORGINA SANDICO

GLORIA ROMERO

PEBRERO

SA DULO

WALANG HANGGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with