Sino ang pinakamagandang magdala ng bikini?

Magagandang lahat ang 24 opisyal na kandidato ng Mossimo Bikini Summit (The Boracay Bikini Championship at the Pearl of the Pacific) na ipinakilala sa media nung Lunes, Abril 8, sa Pearl Manila Hotel. Parang walang itulak kabigin. Talagang pinili ng mga namumuno ng pakontes ang cream of the crop.

Ang mga lalaki ay sina Alex Lee, Douglas Robinson, Mark Hernandez, Jordan Hermogenes, Mark Lowie Lopez, Denny Ngo, Randolf Stamatelaky, Gabby Torrente, Resty Dimalanta, Warly Agalut, Carlo Maceda at Edward Mendez.

Ang mga babae naman ay sina Susan Ocson, Elaine Suizo, Charish Fajaro, Ritchie Bingcang, Linda Maria Beehler, Bernadette Camanag, Paula Joy Cusipag, Edilyn Santillan, Danika Joy Murphy, Sarah Jane Gomez, April Tanhueco at Josephine Castillo.

Ililipad ang 24 sa Boracay sa finals night na mapapanood ng live sa ABC 5 sa Mayo 10, 10:30 n.g.

Bukod sa isang posibleng career sa modeling, mananalo ng P30,000 ang first prize winner, mga mahahalagang regalo at isang taong kontrata sa Viva Films.P20,000 at P10, 000- naman para sa 2nd at 3rd prizes.

Ang host ng press presentation na si Nina Ricci Alagao ay host din sa grand finals, kasama ang TV host na sina Manny Distor at ang modelong si Geoffrey Briz.

Show comments