^

Ara, mag-aaral tumugtog ng piano

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista () - July 22, 2001 - 12:00am
Pinasyalan namin si Ara Mina sa kanyang mini-concert sa SM City para sa promosyon ng kanyang album na Heavenly. Tanggap na siya ng mga manonood bilang isang magaling na singer.

Habang walang pelikulang ginagawa ay abala ito sa kanyang pagiging singer. Gusto din niyang kumuha ng piano lesson at makapag-compose pa ng maraming awitin. Bata pa ay mahilig na si Ara sa musika.

Kuntento na siya sa takbo ng career niya ngayon kahit wala pa siyang pelikulang ginagawa. "Abala rin naman ako sa mga show ko rito at sa abroad. Baka may concert uli ako sa Amerika. Hindi naman ako pinababayaan ni Dondon (Monteverde) na manager ko. Inihahanap lang ako ng magandang project," aniya.

Inamin niya na hanggang ngayon ay wala pa siyang natatagpuang lalaki para maging nobyo. "Nakikipag-date ako sa ilang manliligaw pero talagang zero pa rin ang aking lovelife."
Solo Movie Ni Mikey, Kumita Sa Takilya
Kausap namin ang mga booker at si Phillipson Chua tungkol sa kinita ng pelikulang Mahal Kita. . . Kahit Sino Ka Pa na tinampukan nina Mikey Arroyo at Judy Ann Santos. Tumawag pa sa amin si Mikey para itanong ang lagay ng kanyang pelikula. "Maganda ang kita nito sa takilya sa kabila ng malakas na pag-ulan sa opening day. Sa twenty prints ng movie ay okey lang ang naging resulta nito sa takilya. Higit na lalakas ang tambalan ng dalawa ngayong araw na ito," sabi ng isang booker.

Tuwang-tuwa si Mikey dahil tinanggap ng mga tao ang kanyang launching movie at inspirado ito sa syuting ng susunod niyang pelikula sa MMG Films at Solar Films. Baka si Jolina Magdangal o Angelika dela Cruz ang makapareha niya para sa Solar movie. Sampu pa ang nakalinya niyang pelikula at may gagawing din siya sa Viva Films na malamang na makatambal niya si Regine Velasquez na isa sa pangarap niyang maging leading lady.
Yoyoy, Magaling Na Singer, Komedyante, Composer
Hindi kami magtataka kung bakit in-demand si Yoyoy Villame sa mga shows sa abroad. Simple lang siyang magbitiw ng jokes pero nagugustuhan ng mga manonood gaya ng maging guest ang komedyante sa birthday concert ni Hanna kamakailan sa Southern Bulls. Bukod sa pagiging magaling na komedyante ay mahusay pa rin itong novelty singer kung saan karamihan sa mga awitin ay siya rin ang nag-compose. Ang kanyang "Butsikik" ay inaawit kahit sa ibang bansa at translated pa ito sa kani-kanilang wika.

"Kumusta naman si Yoyoy bilang ama?" tanong ko kay Hanna.

"I have a happy family. Mabait si mommy at daddy kaya siguro hanggang ngayon ay hindi pa ako nag-aasawa. 27 years old na ako pero wala pa ring planong lumagay sa tahimik. I’m contented kay Ronald (Gan) at wala na akong makikita pang katulad niya. Disciplinarian si Daddy kaya lumaki kaming magkakapatid na may values," anang singer.

Laging magkasama ang mag-ama sa mga concert noon pero ngayon ay naghihiwalay na rin lalo na pagdating sa mga shows sa abroad. Busy kasi minsan si Yoyoy sa kanyang TV hosting at pelikula.
Ronald, May Show Sa Abroad
Excited na si Ronald Gan dahil first time nitong makakapag-travel sa Canada. Hindi siya magbabakasyon doon kundi magkakaroon ng show. Siya ang front act ni Hanna Villame sa concert na gagawin sa September 1 sa Toronto, September 8 sa Winnipeg at sa 15 naman sa Montreal. Bihira ang nakakaalam na marunong kumanta ang action star. Kaya ngayon ay kumukuha ito ng voice lesson.

Inihahanda na ang susunod nitong pelikula sa MMG Films kung saan makakasama ni Ronald si Manny Pacquiao.
AKO ARA MINA HANNA VILLAME JOLINA MAGDANGAL JUDY ANN SANTOS KAHIT SINO KA PA KANYANG YOYOY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with