Handa na si Lovely

Dalaga na ang da-ting Best Child Star na si Lovely Mansueto. At 17, flawless ang skin niya, may katamtamang taas na 5’5" at higit sa lahat may nakakahalina siyang tinig. Nang magparinig nga siya ng ilang awitin sa amin, talagang hindi kami makapaniwala na pinagkalooban siya ng Diyos ng ginintuang boses na pwede niyang ipanlaban sa mga karaniwang teenstars natin na tulad niya.

"Bata pa po talaga ako ay mahilig na akong kumanta. Pag di rin lang ako busy, panay ang practice ko sa pag-awit. Yun po, nahasa nang nahasa ang boses ko kaya siguro po gumanda ang boses ko. Baka one of these days ay mag-record ako ng kanta. Di ko po alam kung saang recording outfit, si daddy ang nakikipag-negotiate," sambit pa niya.

May mga movie offers din kay Lovely pero pinag-iisipan pa niya kung tatanggapin ito dahil medyo demanding ang karamihan sa mga roles. Meron na rin siyang mga TV shows na lalabasan.

Show comments