Yoyoy at Hanna, hit sa Australia

Hindi na mapipigilan ang mag-amang singer, Yoyoy at Hannagene Villame na ngayo’y nasa Australia at doon humahataw sa pagkanta. May series of shows ang mag-ama sa iba’t ibang Filipino communities doon. Marami rin kasing mga kababayan natin na nalulungkot lalo na yung hindi makakauwi ng Pilipinas. Pinasasaya sila ng mag-ama sa pamamagitan ng pagkanta ng awiting Pamasko.

Ang problema lang, inaabot ng lamig doon si Yoyoy. Magpa-Pasko kasi at iba ang atake ng lamig doon. Hindi kaparis sa ating bansa na mag-jacket ka lang, okey na. Doon, hindi basta jacket ang makakawala ng lamig.



Show comments