Gary V's platinum & gold harvest

Tumanggap si Gary Valenciano ng isang quadruple platinum album award (more than 160,000 copies sold) para sa kanyang "Greatest Hits" album, isang gold disc para sa "Interactive" album at isang instant gold certification para sa kanyang "Revive" album.

Ginanap ang awards ceremonies sa programang SOP ng GMA kasama ang marketing director ng Universal Records na si Kathleen G. Dy na siyang nagbigay kay Gary ng awards.

Bilang bahagi pa rin ng promo ng "Revive," magkakaroon ng autograph signing si Gary sa Odyssey Record Bars sa SM Manila (Dis. 15, Biyernes), SM Megamall (Dis. 16, Sabado) at SM North Edsa (Dis. 17, Linggo) sa ika-2:00 ng hapon.

Samantala, naging isang malaking tagumpay ang dalawang gabing konsyerto na ginawa ni Gary sa Araneta Coliseum na pinamagatang Radical.

Pagkatapos nito naghahanda naman si Gary ng kanyang mga album promo blitz dito sa Kamaynilaan at sa mga probinsya.

Show comments