Lovely M., pinagbo-bold

Hindi nakapagpigil ang isang Chinese producer na tanungin ang young star na si Lovely Mansueto kung puwede ba siyang mag-bold sa pelikula. Minsan kasi ay nanood ng show ni Lovely kasama sina Jinky Llamanzares at Marc Anda ang nasabing produ na nag-concert sa Music Express 2000 sa Casino Pilipino. Pero tinanggihan ito ni Lovely.

Akala rin ng naturang produ ay younger sister si Lovely ng boldstar na si Via Veloso. Pareho kasing flawless ang dalawa at medyo magkahawig pa.

Kahit doble ang presyo ayaw ng ama ni Lovely na mag-bold siya. May pinagkakakitaan naman kasi ang pamilya nila kaya kahit doble ang ibayad sa kanila, malabong mangyari. Saka isang manggagawa ng simbahan ang kanyang ama.

Show comments