^

PSN Showbiz

Sexy actress bopol pa rin sa acting

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang source na naroon sa syuting ng sexy actress ay nakunsumi nang husto ang direktor sa sexy actress dahil walang kabuhay-buhay daw itong umarte at di mailarawan ang tamang karakter na ginagampanan kahit paulit-ulit ang instruction na ibinibigay sa kanya.

May high blood pa naman si Direk kaya para makaiwas dito ay ipinaubaya na lang ang aktres sa assistant direktor nito na nakunsume rin nang husto.

Nagtataka naman si Direk kung bakit sa tinagal-tagal na rin nito sa showbiz kung saan naging bida rin noon sa maraming pelikula ay hindi pa rin makaarte hanggang ngayon.

Naging kontrobersyal ang seksing aktres lalo na sa kanyang lovelife dahil sa boyfriend niyang businessman.
Ara, Okey Na Maging Second Choice
Si Ara Mina ang ipinalit kay Rica Peralejo sa soap opera na Kung Mawawala Ka ng GMA 7.

Hindi pinayagan si Rica ng Viva na lumabas na kontrabida sa drama show.

Okey lang kay Ara na maging second choice.

Sa kabilang banda, ayaw pa rin niyang patulan ang mga patutsada ni Aiko Melendez at nanatili siyang tahimik tungkol sa isyu.

Katwiran niya ay malinis ang kanyang konsensya.

Para kay Ara, mas makabubuting ang mag-usap ay sina Aiko at Jomari Yllana para hindi na siya madamay pa.

Pinabulaanan din nito na nagdedmahan sila ni Aiko nang sabay na maging guest sa Master Showman. Sinabi ni Ara na hindi sila nagkita doon.
Toni-Dingdong, Di Pa Hiwalay
Ayon kay Antoinette Taus, nagtataka siya kung saan nanggagaling ang balitang hiwalay na sila ni Dingdong Dantes. Hanggang ngayon ay wala pa ring nababago sa maganda nilang pagtitinginan.

Sunud-sunod ang mga TV guesting ng young actress at baka magtagal pa siya ng ilang buwan sa bansa bago tumulak patungong Amerika dahil doon siya nag-aaral. Nanghihinayang nga ito sa mga dumarating na offer. Kung siya ang masusunod, gusto ni Toni na mag-stay muna sa bansa. Isa pa, narito ang kanyang mga kaibigan at nasa tabi pa niya lagi si Dingdong, di ba?
Maybelyn, Prioridad Ang Pag-Aaral
Kahit anong abala ni Maybelyn dela Cruz sa kanyang taping o syuting ay nakukuha pa rin niyang mag-aral. Third year college na siya sa Perpetual Help College (Las Piñas) sa kursong Business Management.

Nag-iisip pa rin siya kung itutuloy ang kanyang pagtakbo bilang SK Chairman ng Las Piñas.

Kung ang ibang kasabayan niyang artista ay nanamlay na ang career ay taliwas naman ito kay Maybelyn dahil patuloy pa rin ang kanyang mga TV appearances at paggawa ng pelikula. Kung nawala man siya sa Click ay isasama naman siya sa Kung Mawawala Ka na tatampukan ni Sunshine Dizon. Nakakontrata si Maybelyn sa Regal Films.
Eula, May Komersyal Na
Malaki ang nagawa ng Pangako Sa ‘Yo kay Eula Valdez. Sumikat siya bilang Amor Powers. Hindi lang sa telebisyon hinangaan ang magaling na aktres kundi naging endorser pa siya ngayon ng isang uri ng bitamina kung saan class na class ang dating. Hindi lang bagay kay Eula ang mga mayayamang role kundi gayun din bilang mahirap at napanood namin siya kamakailan sa Pira-Pirasong Pangarap at credible rin ang kanyang performance.
Dating Taga-‘That’s’ Sumisikat Na
Napakinggan naming umawit ang dating That’s Entertainment member na si Steven Villareal sa kanyang concert Steven... Live sa National Press Club at na-impress kami sa kanyang pag-awit at pagsasayaw. Kaya naman in-demand siya sa mga shows sa Kamaynilaan at iba’t-ibang panig ng lalawigan. Kung hindi sana nawala sa ere ang That’s Entertainment ay sikat na ngayon si Steven dahil hanga rin sa kanya si Kuya German Moreno.

Nanggaling sa angkan ng magagaling umawit ang singer kaya bumuo sila ng Villareal-5 na kinabibilangan ng magkakapatid na sina Jay-R, Stanley, Step, Star at Steven.

Hindi lang pag-awit ang gustong pasukin ni Steven kundi gayundin ang pag-aartista. Guwapo ito sa personal bukod pa sa matangkad at maganda ang pangangatawan.

vuukle comment

CENTER

KANYANG

KUNG

KUNG MAWAWALA KA

MAYBELYN

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with