^

Punto Mo

Tres Queridas (40)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MALAMIG ang hangin sa gilid ng lumang gasolinahan. Sa di-kalayuan, nakatayo si Jack sa tapat ng sasakyan habang kausap ang gas attendant, malayo ang tingin at patuloy na nagmamasid sa paligid. Napabuntong-hininga si Celeste, nakakrus ang mga braso habang nakasandal sa pader ng saradong convenience store. Inis at dismayado pa rin ang kaniyang mukha.

“Masyado ka nang paranoid, Diana,” pambungad ni Celeste. “Nahihiya ako kay Jack. Napaka-professional nung tao at narito siya para tulungan tayo…”

“Gaano mo ba ka­kilala si Jack para ibigay mo ang buong tiwala sa kanya?” tanong ni Diana.

Natigilan si Celeste. Lumingon siya kay Diana, kumunot ang noo sa matinding pagtataka. “Anong klaseng tanong ‘yan?”

“Seryoso ako, Celeste. Gaano mo siya ka­kilala?” muling tanong ni Diana, mahinahon at pilit na ibinababa ang tono ng boses. “Saan mo siya na­hanap? Paano mo siya na-hire?”

“Inirekomenda siya sa akin ng kakilala ni Daddy noong nagsisimula pa lang akong mag-imbestiga kay Carlo,” mabilis na sagot ni Celeste. “Sinuri ng kompanya ang background niya. Malinis ang background niya. Bakit ba—”

“Tingnan mo siya,” mahinang utos ni Diana, itinuturo si Jack.

Napatingin si Celeste sa gawi ng sasakyan.

“Tingnan mo ang hugis ng mukha niya, Celeste,” patuloy ni Diana, ­nanginginig ang boses. “’Yung tindig niya habang naghihintay... ‘yung paraan ng pag-aalaga niya sa ‘yo kapag nahihirapan ka. Hindi mo ba talaga napapansin?”

Kumunot ang noo ni Celeste, akmang magagalit na naman. “Diana, nag-iisip ka na naman ng kung anu-ano—”

“Si Carlo ang nakikita ko sa kanya, Celeste!” pagsisiwalat ni Diana, halatang ­nanginginig ang buong katawan.

Natahimik si Celeste. Dahan-dahan siyang muling tumingin kay Jack na kasaluku­yang nag-aabot ng ba­yad sa gasoline boy. Sa unang pagkakataon, hindi lang bilang bodyguard ang pagtingin niya sa lalaki. Tinitigan niya ang hulma ng mukha nito, ang paggalaw ng mga balikat nito, at ang seryoso ngunit malambot na paraan ng pag­tingin nito sa kanya kapag nag-aalala ito. At sa isang iglap, para bang may malamig na tubig na ibinuhos kay Celeste. (Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with