2 rider dedo, 1 pa sugatan sa road mishap sa Nueva Ecija

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapn ni PCol. Camlon Nasdoman, police provincial director ng lala­wigang ito, nakilala ang mga nasawi na sina Edgar Tauro, residente ng Banog Sur, Bani, Pangasinan at Dante Belmonte Jr., residente ng Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang rider ang nasawi matapos masangkot sa hiwalay na aksidente sa bayan ng Bagabag at Bayombong sa lalawigang ito, kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat na nakarating sa tanggapn ni PCol. Camlon Nasdoman, police provincial director ng lala­wigang ito, nakilala ang mga nasawi na sina Edgar Tauro, residente ng Banog Sur, Bani, Pangasinan at Dante Belmonte Jr., residente ng Barangay San Antonio North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Idineklarang dead-on-arrival si Tauro matapos sumalpok ang sinasakyang   Honda Click (988DJJ) sa kasalubong na Honda125 (BP21584) na minamaneho naman ni Joseph Galingana, residente ng Barangay Villa Luna, Cauayan City sa lalawigan ng Isabela.

Napag-alaman na hindi umano nakontrol ni Tauro ang manibela ng minamanehong motorsiklo pagsapit sa palikong bahagi ng national highway sa Barangay Baretbet, sa bayan ng Bagabag na naging sanhi para sumalpok ito sa kasalubong mula sa kabilang linya.

Samantala, nasawi naman sa hinwalay na pagamutan si Belmonte matapos na sumalpok din ang minamanehong itim na Yamaha Sniper (34YBA) sa kasalubong na passenger jeepney (AYP 229) na minamaneho ni Junjun Nalunne, 39, ng Barangay Umilag, Lamut, Ifugao.

Tulad ni Tauro, umagaw din umano sa linya si Belmonte na naging sanhi para sumalpok sa kasalubong na jeep sa bahagi ng Purok 6, Bypass Road, Barangay Bonfal East sa bayan ng Bayombong.

Show comments