11-anyos na bata, tepok sa bus

Kinilala ang nasawi na si Junior Marcelo, residente ng Blk 5,Lot 56,Brgy.San Agustin 2,Dasmariñas City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi nang masalpok ng isang pampasaherong bus habang patakbong tumawid kamaka­lawa ng gabi sa Emilio Aguinaldo Highway, Pala Pala Intersection,Brgy.Sampaloc 2 Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Junior Marcelo, residente ng Blk 5,Lot 56,Brgy.San Agustin 2,Dasmariñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya,bago naganap ang aksidente,alas-9:30 ng gabi sa nasabing lugar ay nakatambay ang biktima sa kalsada kasama ang iba pang kaibigan nito nang bigla na  lamang itong tumawid.

Hindi na nakapreno ang pampasaherong bus na Queenstown Bus Line Inc., may plakang NBK 5331 na minamaneho ni Moises Albert Brillante Padua, 52 dahilan upang masagasaan ito.

Nahaharap sa mga kasong reckless imprudence resulting to homicide ang nasabing driver.

Show comments