65-anyos lolo namaril ng aso, arestado!

BAYOMBONG, NUEVA Vizcaya, Philippines — Isang 65-anyos ang dinakip ng mga awtoridad matapos niyang barilin at mapatay ang isang aso sa Barangay Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Eliseo Lang-ew, isang magsasaka at residente ng Barangay Buag sa nasabing bayan.

Napag-alaman na isang Shitzu na aso ang binaril ng suspek na dahilan ng agarang pagkasawi nito.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek at ipinasakamay ang ginamit na isang isang Converted long cal.22 na naglalaman pa ng apat na bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code, RA 10591 at animal cruelty ang suspek na nasa pangangalaga ngayon ng Bambang PNP.

Show comments