^

Probinsiya

Public Enemy No. 1 sugatan sa shootout

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Babae nasapol ng ligaw na bala

MANILA, Philippines — Isang itinuturing na public enemy number one at wanted sa Pakil, Laguna ang sugatan matapos makipagbarilan sa mga pulis habang isang babae ang tinamaan ng ligaw na bala nitong Biyernes ng gabi sa naturang lalawigan.

Kinilala ang suspek na sugatan na si Roen Borlaza alyas “Roen”, residente ng Brgy. Banilan, Pakil, Laguna, habang ang sibil­yang babae tinamaan ng ligaw na bala ay inaalam pa ang pagkakakilanlan. Sila kapwa ginagamot na sa Pakil Hospital.

Sa ulat ng CALABARZON Police, bandang alas-6 ng gabi nang magsagawa ang pinagsanib na elemento ng Special Operations Unit at Drug Enforcement Unit ng Pakil Police ng surveillance operation laban sa wanted na si Borlaza sa Sitio Balite, Brgy. Banilan, Pakil ng lalawigang ito.

Gayunman,  nang mapansin ng suspect ang mga umaaligid na operatiba ay agad umano nitong binunot ang kaniyang armas at pinaputukan ang mga awtoridad kaya nauwi ito sa shootout.

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, tinamaan ng bala ang target bunsod upang sugatan siyang maaresto. Nagkataon namang napadaan sa lugar ang babae kaya minalas na mahagip ng ligaw na bala.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol, isang baril at isang granada. 

vuukle comment

GUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with