^

Probinsiya

4 bata tepok sa influenza outbreak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na bata ang kumpirmadong patay matapos na tamaan ng influenza outbreak at pneumonia ang siyam na mga Sitio sa Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido, Jr., nasa 172 na ang naitalang kaso batay sa kanilang surveillance at case investigation.

Nabatid kay Aturdido na nakaranas ng matinding ubo, sipon at lagnat ang mga biktima na karamihan ay mga bata.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso, nagsagawa ng site visitation ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) upang makita ang sitwasyon ng mga residente at nagsagawa rin ng information education campaign.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng mga samples na ipinadala sa Manila upang matukoy kung ano ang sanhi ng biglang pagdami ng kaso ng nasabing mga sakit.

Isinailalim din sa rapid testing ang mga biktima at nagnegatibo naman sila sa COVID-19.

Dahil dito, inirerekomenda ng opisyal ang paglalagay ng satellite barangay health center sa Sitio Blit at isang midwife upang mapalakas ang vaccination sa mga bata laban sa mga vaccine-preventable diseases lalo na’t mababa ang bilang, mga batang nababakunahan dahil sa layo ng mga sitios sa Barangay Health Center.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with