P900 million smuggled goods nasabat sa Bulacan  

Ang operasyon ay isi­­na­gawa ng mga ahente mula sa Manila In­­ter­na­tional Container Port (MICP), Intelligence Group, at Enforcement Group, sa pakikipagtu­lu­ngan ng Phi­lippine Coast Guard.
STAR/ File

PLARIDEL, Bulacan, Philippines — Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang iba pang law enforcement agencies ang mga pinaghihinalaang smuggled goods na tinatayang nagkakahalaga ng P900 milyon sa bayang ito, ayon sa ulat kahapon.

Ang operasyon ay isi­­na­gawa ng mga ahente mula sa Manila In­­ter­na­tional Container Port (MICP), Intelligence Group, at Enforcement Group, sa pakikipagtu­lu­ngan ng Phi­lippine Coast Guard.

Sa pamamagitan ng Letter of Authority na ni­lagdaan ni Commissioner Bienvenido Rubio, ang composite team ng BOC ay ininspeksiyon ang bodega na matatagpuan sa Plaridel, Bulacan.

Nakipag-ugnayan ang BOC sa mga lokal na opisyal ng barangay at Philippine National Police upang mapasok ang sinasabing bodega ng mga smuggled goods.

Sa masusing pag-iinspeksiyon sa lugar, natuklasan ng BOC ang mga nakatagong sigarilyo, gayundin ang iba pang mga kalakal, housewares, kitchenware, at mga pekeng kalakal na iligal na iniangkat sa bansa na umaabot sa halagang P900 milyon.

Sa kawalan ng linaw na makapagpakita ng mga kinakailangang dokumento, kabilang ang  patunay na pagbabayad at tungkulin sa pagbubuwis, gayundin ng importation permits ay kaagad gumawa ng aksiyon ang BOC sa pamamagitan ng pansamantalang pagharang at pagsasara ng bodega.

Ayon pa sa BOC, ang may-ari ng nasabing bodega ay binigyan nila ng 15-day period upang magpakita ng kinakailangang documentary evidence.

Show comments