Puno nabuwal sa palengke: Dalagang namimili durog ang ulo

BALATAN, Camarines Sur, Philippines — Basag ang ulo ng isang dalagang namamalengke matapos mabagsakan ng nabuwal na puno ng niyog sa Balatan Public Market sa Brgy. Siramag ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.

Sinubukan pang isugod sa Balatan Municipal Health Office pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang kinilalang si Sherla Matutina Betara, 41-anyos, at residente ng Zone-4, Brgy. Pagatpatan, Bato, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-10:10 ng umaga habang namimili ng gulay ang biktima nang biglang nabuwal ang isang patay na puno ng niyog sa open public market at sa kasamaang palad ay bu­magsak mismo sa ulo nito. Duguan at walang malay na isinugod sa pagamutan ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival ng mga manggagamot.

Show comments