Pari inaresto sa kasong rape

Sa inisyung arrest warrant ni Sagay Regional Trial Court Judge Reginald Fuentebella, sa kasong rape ay ­inaresto ang suspek na si Fr. Conrado Mantac, 62-anyos at tubong Brgy.Balatocan, Looc, Romblon na nasa kustodiya na ng Sagay City Police Station at walang inirekomendang piyansa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang paring Katoliko ang inaresto ng mga pulis sa bisa ng arrest warrant ka­makalawa sa Brgy. Estefania,Bacolod City.

Sa inisyung arrest warrant ni Sagay Regional Trial Court Judge Reginald Fuentebella, sa kasong rape ay ­inaresto ang suspek na si Fr. Conrado Mantac, 62-anyos at tubong Brgy.Balatocan, Looc, Romblon na nasa kustodiya na ng Sagay City Police Station at walang inirekomendang piyansa.

Samantala, inaresto rin ng mga pulis ang isang Nash Saballero, 18, ng Brgy. Taloc, Bago City, Negros Occidental sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jennifer Protasio Arches, sa kasong sexual abuse at may inirekomendang P20,000 piyansa.Nakakulong na sa Bago City police custodial facility ang suspek.

Show comments