Pinakamalaking barangay ng San Jose del Monte City, hinati sa 4

‘Yes’ vote, panalo sa plebisito

MANILA, Philippines — Hinati na sa apat ang pinakamalaking barangay sa San Jose del Mon­te City sa Bulacan ma­karaang magwagi ang botong “Yes” sa ginanap na plebisito para hatiin ang Barangay Muzon.

Ayon sa Comelec, mula sa 43,771 kabu­uang botante sa barangay, nasa 13,322 ang bumoto o 30.44% na voter turnout.

Sa naturang bilang ng mga bumoto, 92.51% o 12,324 ang bumoto ng pabor sa dibisyon o paghahati ng Barangay Muzon sa apat na barangay, habang 7.27% lamang o 969 residente ang tumutol o bumoto ng ‘No.’

“Given this clear mandate from the constituency of Barangay Muzon, considered as the most populous area in the City of San Jose del Monte, the original barangay will henceforth be divided into four distinct and independent barangays,” ayon sa Comelec.

Papangalanan ang apat na bagong barangay na Barangay Muzon Proper, Barangay Muzon East, Barangay Muzon West, at Barangay Muzon South.

Nagpasalamat si Co­melec Chairman George Garcia sa umano’y hindi matatawarang koo­pe­rasyon ng lahat ng ka-partner na ahensya ng Comelec na siyang tumiyak upang maging mapayapa at matagum­pay ang pagdaraos ng naturang plebisito.

Show comments