Lolo na maingay sa laklakan kinatay ng kapwa senior

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Edgardo Katindoy Japon, 64-anyos, at residente ng  B35 L12 Gentree Villas, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen.Trias City, Cavite, dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay sa saksak ang isang lolo na madaldal na sa inuman dahil sa kalansingan nang mairita ang kanyang katunggaan na isa ring senior citizen kahapon ng madaling araw sa bahay mismo ng suspek sa Gentree Villa Subd., Brgy. Pasong Kawayan1, Gen. Trias City.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Edgardo Katindoy Japon, 64-anyos, at residente ng  B35 L12 Gentree Villas, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen.Trias City, Cavite, dahil sa tinamong mga saksak sa katawan.

Arestado naman ang suspek na si Rufino Doktor Ochoco , 67-anyos, construction worker at residente ng B35 L38 Gentree Villas, Brgy. Pasong Kawayan 1,Gen. Trias City.

Sa imbestigasyon nina Police Corporal Lauren Lubigan at PMaster Sergeant Cristopher Dumlao, ala-1 ng madaling araw nang maganap ang krimen.

Nabatid na gabi pa lang nang magsimulang mag-inuman ang dalawa sa bahay ng suspek at inabot sila ng madaling araw sanhi upang parehong sobra nang malasing hanggang sa magkapikunan at nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil sa pagkairita ng suspek sa sobrang kadaldalan ng biktima, inundayan nito ng sunud-sunod na saksak hanggang sa mamatay ang huli.

Show comments