^

Probinsiya

3 miyembro ng BIFF todas sa ‘fire mission’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) Karialan faction ang nasawi habang isa ang nasugatan sa  isinagawang “fire mission ng mga sundalo sa bayan ng Mamasapano,Maguindanao del Sur.

Isa sa tatlong nasawi ay nakilala na si  alyas Suharto, taga-Brgy. Dapyawan, Datu Saudi Ampatuan, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang namatay at nasugatan.

Ayon kay 33IB Commander, Lt. Col. Benjamin Cadiente Jr., naglunsad ng ‘fire mission’ ang kanilang tropa laban sa grupo ni alyas Boy Jacket ng BIFF, sa Barangay Liab, Mamasapano Maguindanao del Sur.

Nabatid na nakatanggap ng report ang militar mula sa mga residente na natatakot hinggil sa presensya ng grupo ni Boy Jacket.

Pagdating ng mga sundalo sa nasabing lugar agad silang pinaputukan ng mga teroristang grupo na nauwi sa ilang minutong palitan ng putok na ikinamatay ng tatlo habang nakatakas ang iba pa nilang kasamahan.

Narekober ng grupo ng 33IB sa lugar ang 1- 5.56mm M16A1 Rifle, 2 Homemade Revolvers ng Cal. 38mm at Cal. 5.56mm, 1 Cal.45 Pistol, 1 cartridge ng 81mm HE, 2- 40mm grenade launcher ammunition, 4 Cartridge ng 40mm at 3 Improvised explosive devices.

vuukle comment

BIFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with