^

Probinsiya

Driver, 2 pa timbog sa Imus buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Driver, 2 pa timbog sa Imus buy-bust
Pawang mga sinampahan ng mga kasong pag­labag sa Sec 5, Sec 11, Sec 13 at Sec 14 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 (Compreshensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang target sa buy-bust na si Junilito Genilsa, 34-anyos, driver, ng #141 Brgy. Bayan Luma 9, Imus City, at dalawang pahinante na sina Alberto Baselonia Reyes, 28, ng B9 L4, Alcoba St., Fortune Ville, Brgy. Salinas 1, Bacoor City, at Jibb Badion, 37, ng B1 L28 Phase A, Lateraza Subd., Brgy. Bucandala 3, Imus City; pawang sa Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang driver at dalawang pahinante na naaktuhang nagsasagawa ng shabu session sa loob ng kanilang delivery truck sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Brgy.Bucandala 1, Imus City.

Pawang mga sinampahan ng mga kasong pag­labag sa Sec 5, Sec 11, Sec 13 at Sec 14 sa ilalim ng Art II ng RA 9165 (Compreshensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang target sa buy-bust na si Junilito Genilsa, 34-anyos, driver, ng #141 Brgy. Bayan Luma 9, Imus City, at dalawang pahinante na sina Alberto Baselonia Reyes, 28, ng B9 L4, Alcoba St., Fortune Ville, Brgy. Salinas 1, Bacoor City, at Jibb Badion, 37, ng B1 L28 Phase A, Lateraza Subd., Brgy. Bucandala 3, Imus City; pawang sa Cavite.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police Office director PCol. Christopher Olazo, alas-11:28 ng umaga nang ilatag ng Imus Police ang buy-bust operation laban kay Genilsa.

Sa kahabaan ng Brgy. Bucandala 1, Imus City, naganap umano ang drug deal at pagdating ng suspek sakay ito ng delivery trak ay huminto sa nasabing lugar.

Nang magkaabutan ng droga at bayad mula sa tumayong poseur buyer, dito na dinakma ng grupo ng pulisya ang suspek at nang kanilang siyasatin ang trak, dito naaktuhan sa loob nito ang dalawa pang kasamahan na humihithit umano ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang 5-plastic sachet ng shabu na nasa 0.40 gramo at may halagang P2,720, dalawang nakabukas na plastic sachet at may lamang shabu, dalawang foil strips na may marka ng droga, dalawang nakarolyo na foil, isang dispo­sable lighter at ang marked money na ginamit sa ope­rasyon.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with