^

Probinsiya

Isla sa Albay na nasa state of calamity, inayudahan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Matapos 1-buwang na-isolate

RAPU-RAPU, Albay, Philippines — Napasok na rin kahapon at nahatiran ng tulong ang islang bayang ito sa Albay matapos na ipasailalim sa state of calamity noong Enero dahil sa halos mahigit isang buwang na-isolate sanhi ng sama ng panahon at gale warning kung saan nawalan ng hanapbuhay ang karamihan habang walang pumapasok na suplay dahil sa natigil na transportasyon sa karagatan.

Agad tinugon nina Ako Bicol Partylist Cong. Elizaldy Co at Cong. Joey Salceda ang pana­wagang ayuda ni Mayor Dick Galicia at kasama si DSWD regional director Norman Laurio ay personal nilang tinungo ang bayan at hinatiran ng tulong ang mga residente.

Nasa 300 pamilya ng mga mangingisda ang binigyan ng tig-3 libong pisong cash at food packs habang food packs din ang ibinigay sa may 1,800 senior citizen at mga pamilya mula sa anim na barangay ng Bilbao, Lagundi, Sagrada, Caracaran, San Ramon at Liguan.

Ayon kay Maria Teresa Diamante, municipal social welfare worker ng Rapu-Rapu, ngayon lang nila naranasan na kahit mayroon silang pambili ay marami ang nagutom na residente dahil sa kawalan ng suplay na makakain habang ang ilan ay dumidiskarte na lang kung papaano makakahanap ng makakain sa paligid sa isla.

Laking pasasalamat ng mga residente sa pangunguna mismo ni Mayor Galicia dahil sa agarang ayuda mula sa mga kongresista at DSWD.

Hindi umano nila inaasahan na sa halos dalawang buwan na nagtuluy-tuloy ang sama ng panahon ay nasaid ang kanilang resources at umasa na lamang sila sa nakaimbak na food packs ng lokal na MSWD sa kanilang ba­yan.

vuukle comment

STATE OF CALAMITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with