Eastern Samar niyanig ng 5.5 magnitude na lindol
MANILA, Philippines — Niyanig ng 5.5 magnitude na lindol ang Homonhon Island, bayan ng Guiuan, sa Eastern Samar kahapon ng umaga.(Jan. 28).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-4:25 ng umaga nang tumama ang lindol at tectonic ang origin nito. Ang lalim ng lupa ng lindol ay umabot sa 80 kilometro.
Dulot nito, naramdaman ang lindol sa lakas na Intensity IV sa Guiuan, Lawaan, Mercedes, at Salcedo, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, City of Baybay, Dulag, Javier, La Paz, Palo, Santa Fe, Tabontabon, Tanauan, at Tolosa, Leyte; San Francisco, Southern Leyte.
Intensity III naman sa General MacArthur, Eastern Samar; Babatngon, Barugo, Leyte, Pastrana, Tunga, Leyte at Tacloban City .
Intensity II sa Maydolong, Eastern Samar; Albuera, Leyte; Ormoc City at Intensity I sa Cebu City.
Sinabi ng Phivolcs na asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.
- Latest