^

Probinsiya

P9.49 milyong smuggled na sibuyas, nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga ang nasa P9.49 milyong halaga ng pulang sibuyas na tinangkang ipuslit sa bansa sa magkahiwalay na okasyon sa Zam­boanga City.

Sa ulat, unang nasabat ng BOC ang isang “jungkong-type watercraft” na may markang TIMZZAN na nakadaong sa dalampasigan ng Barangay Labuan at nadiskubre ang nasa 1,624 mesh bags na naglalaman ng tinatayang P2.6 milyong sibuyas.

Sa ikalawang operasyon, nasabat rin ang isa pang “jungkong watercraft” na may markang MJ MARISSA sa may Varadero de Cawit sa Brgy. Cawit na natagpuang naglalaman ng 4,308 mesh bags ng P6,892,800 halaga ng sibuyas.

Kinumpiska ang mga sibuyas dahil sa kawalan ng Sanitary and Phyto­sanitary Import Clearance mula sa Department of Agriculture (DA)-Bureau of Plant Industry, na isang paglabag sa Section 1401 ng Republic Act (R.A.) 10863,o ang “Customs Modernization and Tariff Act of 2016”, in relation to R.A. 10845 o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”

vuukle comment

SIBUYAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with