^

Probinsiya

Bangkay ng isang sanggol natagpuan sa kanal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bangkay ng sanggol na lalaki na nakasilid sa plastic bag ang natagpuang palutang-lutang sa isang kanal sa Barangay Zone 9, Malued, Dagupan City.

Nabatid na nakakabit pa ang umbilical cord ng sanggol nang makita ng mga residente, pero wala na itong buhay.

Ayon sa mga residente na bago matagpuan ang sanggol, isang babae umano ang nakita nila na tila may sinusungkit sa kanal.

Nang puntahan ang tinutuluyang bahay ng nasabing babae ay wala ito doon.

Palaisipan sa mga residente kung sino ang nagtapon ng sanggol sa kanal kaya’t nagsagawa na ang pamunuan ng barangay ng profiling sa mga buntis sa lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy kung sino ang responsable sa pagtatapon ng sanggol sa kanal.

“We are still looking at the possibility to look for the owner or mother ng nasabing infant. ‘Yung lifeless infant, malapit siya sa creek, hindi natin inaalis ‘yung anggulo na probably, it was washed away by the river,” ani Dagupan City Police Station chief Police Lieutenant Colonel Vicente Castor Jr.

SANGGOL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with