^

Probinsiya

Inspeksyon sa mga pagawaan ng paputok, ikinasa!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Naglabas ng direktiba si Police Brig. Gen. Cezar Pasiwen, regional director ng Police Regio­nal Office-3 (PRO3) para sa mahigpit na pag-i­ins­peksyon sa mga gu­ma­gawa at nagbebenta ng mga paputok sa la­la­wi­gang ito habang pa­­pa­lapit ang Kapaskuhan at pagsalubong ng Bagong Taon.

Inatasan ni Pasiwen ang mga police pro­vin­­cial at city directors sa Central Luzon na mag­­sagawa ng mga ins­peksyon sa mga pa­ga­waan ng paputok par­­tikular sa lalawigan ng Bulacan. Nais din nito na makipagkoordinas­yon ang mga directors sa kanilang local government unit’s upang matiyak na ang mga pagawaan ng paputok sa kanilang area of res­ponsbility ay may mga permit.

Matatandaan na kamakailan ay isang iligal na pagawaan ng paputok ang sumabog sa Sta. Maria, Bulacan.

Pinasisilip ni Pasi­wen ang mga pagawaan ng firecrackers sa Bulacan at sa iba pang lalawigan sa rehiyon upang ‘di ma­ulit ang nangyari sa Sta. Maria at para matiyak na walang illegal firecrackers na tinitinda ng mga dealers.

PInakukumpiska rin ng opisyal ang lahat ng mga illegal firecrac­kers sa mga dealers at tindahan.

PAPUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with