^

Probinsiya

Mt. Mayon inilagay sa Alert Level 2, pagputok ibinabala ng Phivolcs

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Mt. Mayon inilagay sa Alert Level 2, pagputok ibinabala ng Phivolcs
This undated file photo shows Mayon Volcano in Albay.
The STAR / Edd Gumban, File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Mayon Volcano kahapon at nagbabala ng posibilidad na mga pagputok.

“DOST-Phivolcs is raising the Alert Level of Mayon Volcano from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest),” ayon sa pang-3pm na bulletin ng ahensya kahapon.

Ayon sa Phivolcs, ang paglalagay sa Alert Level 2 sa Mt. Mayon ay nanga­ngahulugan na ang kasalukuyang aktibidad ng bulkan ay maaaring magdulot ng phreatic eruptions o hazardous magmatic eruption.

Sa isinagawang aerial survey ng mga tauhan ng Phivolcs sa paligid ng bulkan, lumalabas sa kanilang visual at camera monitoring na naobserbahang patuloy ang paglaki ng lava dome sa crater ng bulkan.

Lumalabas pa sa aerial survey at occular inspection kahapon ng umaga nina resident volcanologists Dr. Paul Alanis at Albay Provincial Safety and Emergency Management Officer Dr. Cedric Daep katuwang ang Phi­lippine Air Force sa summit ay nakumpirma nila ang bagong mga labas na lava dahilan ng paglaki ng lava dome.

Sa huling obserbasyon noong Oktubre 4 ay lumalabas na umaabot na sa tinatayang 48-libong kubiko ang inilaki ng lava dome mula noong Agosto 20, 2022.

Noong isang araw ay una nang nagpalabas ng babala si Alanis sa kinakaharap na peligro ng mga residente sa ibaba ng Miisi Gully sa Daraga dahil sa nakitang mudflow na dumadaloy mula sa crater. Nakitaan din ng patuloy na pamamaga ang katawan ng bulkan.

Samantala, mahigpit na binalaan ni Daep ang mga residente sa ibaba ng bulkan partikular sa southwest at south sector ng mga bayan ng Sto. Domingo, Legazpi City, Daraga, Camalig, Guinobatan hanggang sa Ligao City dahil sa peligrong dulot ng pagdaloy ng lahar kung magkaroon ng malalakas na pag-ulan lalo na sa loob ng deklaradong danger area. Marami umano silang nakitang deposito sa itaas ng bulkan na puwedeng dumausdos pababa o kaya kung magkaroon ng pagputok at mag-iba ang lava dome.

MAYON VOLCANO

PHILVOCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with