Magkapatid na bata, natusta sa sunog

Batay sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte, nakilala ang mga biktima na sina Reynan Esquibel, 4 at ang nakababatang kapatid na si Lorenzo, 1-taong gulang.
STAR/File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Patay ang magkapatid na paslit makaraang ma-trap at makasamang lamunin ng apoy sa nasusunog nilang kubo sa bulubunduking bahagi ng Sitio Libis, Barangay Tanauan, Plaridel, Quezon, kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte, nakilala ang mga biktima na sina Reynan Esquibel, 4 at ang nakababatang kapatid na si Lorenzo, 1-taong gulang.

Ayon sa pagsisiyasat ng Plaridel Bureau of Fire Protection (BFP), umalis sa kanilang bahay na kubo dakong ala-1:00 ng hapon ang ina ng mga biktima na si Lorelie, 22-anyos, upang manguha ng gulay at iniwan niya ang dalawang anak na naglalaro ng lighter.

Subalit pagbalik ni Lorelie dakong alas-4:20 ng hapon ay inabutan niyang tupok na ang kanilang bahay at halos abo na rin ang kanyang dalawang anak.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.

Show comments