^

Probinsiya

‘Tulak’ sa Quezon nalambat sa P100K droga

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
âTulakâ sa Quezon nalambat sa P100K droga
Ayon kay P/Col. Ledon Monte, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang alas-2:15 ng madaling araw isi­nagawa ang operasyon at naaresto ang suspek na si Ernesto Olayres Gadbilao alias Muhlach, 52, tubo at kasalukuyang residente ng Purok 3B Barangay Dalahican Lucena City, Quezon.
STAR/ File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nalambat ang isang drug suspect at nakumpiskahan ng mahigit P100,000 na ha­laga ng droga sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Mahar­lika Highway Barangay Kanlurang Mayao, Lucena City, kamakalawa ng madaling Araw.

Ayon kay P/Col. Ledon Monte, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang alas-2:15 ng madaling araw isi­nagawa ang operasyon at naaresto ang suspek na si Ernesto Olayres Gadbilao alias Muhlach, 52, tubo at kasalukuyang residente ng Purok 3B Barangay Dalahican Lucena City, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, si Muhlach ay naaktuhang nagbebenta ng ipinagbabawal na droga sa poseur buyer na pulis.

Narekober buhat sa pag-iingat nito ang 3-sachet ng hinihinalang droga na may  timbang na 5.54 gramo at nagkakahalaga P 113, 016.00, isang P1,000-peso bill na ginamit sa buy-bust, isang plastic made wallet na kulay beige, at Euro motorcycle na kulay pula.

Ang suspek ay nahaharap sa paglabag sa  Section 5 and 11, Article 2 ng R.A. 9165 at kasalukuyang nasa panga­ngalaga ng Lucena City Police Station para sa tamang dokumentasyon.

EURO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with