^

Probinsiya

Parak itinumba habang naka-duty

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Parak itinumba habang naka-duty
Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si PSSgt. Robert Torregrosa, miyembro ng Biñan City police station, dahil sa mga tama ng baril sa katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang pulis ang pinagbabaril ng dalawang lalaki habang naka-duty sa Police Assistance Center,Brgy. Timbao, Biñan City, Laguna, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si PSSgt. Robert Torregrosa, miyembro ng Biñan City police station, dahil sa mga tama ng baril sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang dalawang lalaki sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Loman.

Patuloy pang ­inaalam ng pulisya ang motibo ng pamamaslang sa biktima at sino ang mga suspek.

Samantala, isang tricycle driver ang nasawi matapos barilin ng nakaalitan nitong fruit vendor sa Calamba Trade Center Public Market sa Calamba City, Laguna.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Odonio Sario Jr., 36, dahil sa tatlong tama ng bala sa likod.

Batay sa report ng Calamba City police, alas-5:30 ng umaga nang iparada ng biktima ang kanyang tricycle sa harap ng fruit stand ng suspek na si Ronie Evasco.

Ikinagalit ng suspek ang pagparada ng biktima dahil nahaharangan umano ang kanyang paninda.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang sitwasyon at nagbunot ng baril ang suspek at nagpaputok pababa para takutin ang biktima,subalit tumalbog ang bala sa semento at tinamaan sa paa ang isang bystander.

Patakbo na ang biktimang si Sario nang tatlong beses itong barilin sa likuran ng suspek.

Isinugod ang ­dalawa sa ospital su­balit dead on arrival na si Sario.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

PARAK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with