Mister, pamangkin patay sa family excursion

Sa ulat ng San Antonio Police, ang mga biktima ay nakilalang sina Ederson Cabral, 36, at Ashley Dela Cruz, 15-anyos, pawang residente ng Calumpit, Bulacan na kasamang dumayo sa Zambales para sa family outing.
STAR/ File

SAN NARCISO, Zambales, Philippines – Kapwa natagpuang wala nang buhay ang isang mister at dalagitang pamangkin matapos ang pagkawala sa kasagsagan ng kanilang family excursion sa isang beach sa bayan ng San Antonio sa lalawigang ito, kamakalawa.

Sa ulat ng San Antonio Police, ang mga biktima ay nakilalang sina Ederson Cabral, 36, at Ashley Dela Cruz, 15-anyos, pawang residente ng Calumpit, Bulacan na kasamang dumayo sa Zambales para sa family outing.

Lumalabas na biglang naglaho ang magtiyo habang nagsu-swimming sa San Miguel beach matapos tangayin ng malalakas na alon sa dagat bandang alas-5 ng hapon noong Hulyo 15.

Ang katawan ni Cabral ay natagpuan ng mga resi­dente dakong ala-1:30 ng hapon noong Sabado sa beach area ng San Antonio, at makalipas ang ilang oras ay nakita rin dito ang bangkay ni Dela Cruz.

Show comments