Imbakan ng bala at baril sa Cagayan de Oro sumabog

MANILA, Philippines — Nagulantang ang ilang residente  sa naganap na pagsabog sa  imbakan ng bala at baril sa Camp Evangelista sa Barangay Patag, Cagayan de Oro.

Batay sa inisyal na ulat, ang sunog  ay mula ammunition storage facility ng 4th Infantry (Diamond) Division sa Camp Evangelista.

May sunud-sunod na pagsabog na narinig sa site.

Sinabi ni Maj. Francisco Garello, tagapagsalita ng 4th Infantry Division, may tatlong nasugatan sa insidente.

Idineklarang fireout ang insidente pasado alas-3 ng madaling araw.

Malayo aniya ang sunog sa mga kabahayan at opisina ng kampo.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa pagsabog.

Show comments