Ex-CDO Mayor Canoy, pumanaw na

MANILA, Philippines — Sumakabilang buhay na si dating Cagayan de Oro (CDO) City Mayor at Misamis Oriental Assemblyman Atty. Reuben Canoy sa gulang na 93  nitong Martes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Rhona, anak ni Canoy sa kaniyang social media post na hiniling din na ipagdasal ang katahimikan ng kaluluwa ng kaniyang ama.

“It is with sadness that we are informing you of Dad’s passing at 8:55 p.m.  July 5, 2022. Please pray for the eternal repose of his soul. Arrangements for his wake will be announced later,” ayon sa FB post ni Rhona.

Hindi naman tinukoy ni Rhona ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang ama.

Agad namang ipinaabot ni Deputy Speaker  Rufus Rodriguez (2nd District Cagayan) ang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Canoy.

“We grieve over the death of Mayor Canoy. We lost one of the great intellectuals and brilliant lawyers of Mindanao,” pahayag ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na isang tunay na nagsusulong ng adbokasya sa pede­ralismo si Canoy at isa ito sa ipinagmamala­king anak ng CDO at Mindanao Region.

Show comments