^

Probinsiya

3 impostor ni PNP chief Danao, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 impostor ni PNP chief Danao, arestado
Sinabi ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, PNP Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) officer–in-charge, ang tatlong suspek na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ay nasakote sa Binangonan, Rizal kamakalawa sa implementasyon ng “warrant to search, seize and examine computer data” ng mga awtoridad.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tatlong scammers na nagpanggap na si PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Vicente Danao Jr., sa social media para makapanghingi ng donasyong pera sa mga potensyal na biktima ang nahaharap ngayon sa kasong kriminal makaraan silang masakote ng pulisya sa Rizal, ayon sa opisyal kahapon.

Sinabi ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, PNP Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) officer–in-charge, ang tatlong suspek na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ay nasakote sa Binangonan, Rizal kamakalawa sa implementasyon ng “warrant to search, seize and examine computer data” ng mga awtoridad.

Nakumpiska mula sa mga suspect ang dalawang laptop computer, 10 mobile phone, tatlong passbooks, debit cards at isang 500 gigabyte(GB) hard disk drive.

Ayon sa opisyal, ang mga suspek ay lumikha ng Facebook account gamit ang profile ni Danao upang makapanloko at nag-aalok na bibigyan ng 1,000 sako ng bigas ang kanilang biktima kapalit ng suporta sa Police Community Relations na mga aktibidad ni Danao.

Base sa pakikipag-chat sa online, nakumbinsi ng mga suspect ang isang complainant na magpadala ng P50,000 bilang shipment fee sa delivery ng mga sako ng bigas.

Agad namang inireport ng complainant sa PNP-ACG ang insidente kaya agad nagsagawa ng operasyon sanhi ng pagkakasakote ng mga suspek.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with