^

Probinsiya

Killing fields sa Albay: 6 kalansay ng tao nahukay

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Killing fields sa Albay: 6 kalansay ng tao nahukay
Ayon kay NBI-Bicol regional director Pateros Morales, ipinauubaya na nila sa mga  kaanak ang pagkilala sa mga kalansay sa tulong ng narekober na mga gamit.
PNA

MANILA, Philippines — Nahukay ng National Bureau of Investigation-Bicol, militar at pulisya sa pinaniniwalaang ‘killing fields’ at mass grave ng isang sindikato ang  kalansay ng anim na tao kamakalawa sa kabundukan ng Brgy. Molosbolos, Libon, Albay.

Ayon kay NBI-Bicol regional director Pateros Morales, ipinauubaya na nila sa mga  kaanak ang pagkilala sa mga kalansay sa tulong ng narekober na mga gamit.

Hiniling na ang dental records ng hinahanap na kaanak para mas mabilis ang pagproseso ng NBI-Manila Forensic Team sa mga kalansay na dinala sa opisina ng NBI-Bicol.

Naniniwala ang team leader ng operasyon, na magkuya at isang babae na pawang mga kontraktor ng government projects na dinukot noong June 2021, fish vendor at magkapatid na reseller na dinukot din noong March 2022 ang kabilang sa mga bangkay.

Sinasabing res­pon­sable dito ang sindikato na Gilbert Concepcion Criminal Group na pinamunuan ni Gilbert Concepcion na dating miyembro ng NPA na pumasok sa pagsusundalo pero na-discharge matapos mag-AWOL.

Ang Concepcion group ang nasa likod ng ilang kaso ng pagdukot, pagpatay at pangingikil sa Cavite, Quezon at Bicol.

Ilan dito ang pamamaril kay Malinao, Albay mayoral candidate Engr. Nelson Morales habang nasa simbahan noong Septembre 2012, pagpatay kay Lupi Mayor Leo Raul Matamorosa habang nasa appliance repair center sa Naga City noong October 2012, at pagpatay sa radio anchor na si Joey Llana habang nagmamaneho ng sasakyan sa Daraga, Albay noong July 2018.

Dahil sa pagkakatuklas ng mass grave ay kumpirmasyon umano sa nakalap ng NBI na impormasyon na tino-torture muna ang mga biktima bago ang karumal-dumal na pagpatay at pagli­bing sa kanila sa nasa 3 hanggang 4 feet na lalim na hukay.

“Actually may pampito kami, hindi na namin nakuha, balikan na lang namin. Hapon na. Hindi lang 6 ang pinatay at inilibing d’yan. Hindi ’yan bababa sa 30 katao,” dagdag pa ni Jimenez.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with