^

Probinsiya

3 preso pumuga sa Surigao District Jail

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang manhunt ope­ration ngayon ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa tatlong preso na tumakas mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) faci­lity Surigao del Sur, sa Cantilan District Jail kamakalawa.

Kinilala ang mga nakatakas na suspek na sina Renwood Baya, may kasong carnapping; Junmar Quezada, may kasong robbery; at Edgardo Pinoy Jr., na may kasong rape.

Ayon kay Col. Joseph Boquiren, Surigao del Sur Police Provincial Office (SDSPPO) director, nakaalerto na ang lokal na pamahalaan at city police station upang mahanap ang mga tumakas.

Iniimbestigahan na rin ang mga tauhan mg BJMP na umano’y posibleng nagpabaya sa kanilang tungkulin.

Ipinakalat na rin sa social media ang mga impormasyon at lara­wan ng mga suspek para ipaalam sa publiko at mapadali ang pag­huli sa kanila.

BJMP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with