^

Probinsiya

Robbery heists sa Silang, Cavite: 2 establisimyento pinasok: 12 katao iginapos!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Robbery heists sa Silang, Cavite: 2 establisimyento pinasok: 12 katao iginapos!
Ayon sa ulat ng pulisya, tatlong lalaki na pawang armado ng baril ang pumasok sa Puremed Inc. at Magnifident Inc. na matatagpuan sa Barangay Puting Kahoy, Silang, sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-10:30 ng gabi.
STAR/File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, tatlong lalaki na pawang armado ng baril ang pumasok sa Puremed Inc. at Magnifident Inc. na matatagpuan sa Barangay Puting Kahoy, Silang, sa pagitan ng alas-4 ng hapon hanggang alas-10:30 ng gabi.

Lumalabas sa im­bes­tigasyon, dumating ang mga suspek sa nasabing lugar lulan ng dalawang sasakyan (Revo at gold Adventure). Una nilang pinasok ang Puremed Inc. at nagkunwari silang mga kliyente. Agad silang nagdeklara ng holdap at tinutukan ang mga empleyado saka inutusang pumasok sa loob.

Matapos ito, lumipat ang mga suspek sa Magnifident Inc. na katabi lamang ng Puremed Inc. at agad ding nagdeklara ng holdap saka iginapos ang mga empleyado kasama na ang doktor at pasyente ng naturang klinika bago sila naghalughog sa loob.

Ang mga biktima na nakilalang sina Paul Igloso, Ralph Robin Gevaña, Thalia Marie Gevaña, Lolita Casis, Jocelyn Delmo, Janeth Domingo Tan, Dr. Carmen Deleon, associate dentist; Paul Atienza, Emmanuel Digo, Hazel Joy, Jose Enrico, at Theodan Lim, ay iginapos at puwersahang tinangay ang kanilang mga personal na kagamitan.

Bago tumakas, sinira ng mga suspek ang DVR at kinuha ang hard drive ng CCTV ng dalawang establisimyento. Tinangay din ang lahat ng mga kagamitan ng mga biktima kabilang na ang mga cellphones, wallets, laptop, camera at ibang ari-arian ng kumpanya na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P371,100.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang insidente.

ROBBERY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with