Power supplier pinagpapaliwanag sa mataas na singil sa kuryente

Ito ay bunsod sa rekla­mong tinanggap ni Pau­lino mula sa mga residente dahil sa biglang pagsirit umano paitaas ng halaga ng electric bill na kanilang binabayaran nitong nagdaang buwan sa Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC).
STAR / File

OLONGAPO CITY, Philippines — Pinagpapaliwanag ni Olongapo Mayor Rolen “Lenj” Paulino ang po­wer supplier sa kanilang lung­sod dahil sa mataas na singil sa kuryente.

Ito ay bunsod sa rekla­mong tinanggap ni Pau­lino mula sa mga residente dahil sa biglang pagsirit umano paitaas ng halaga ng electric bill na kanilang binabayaran nitong nagdaang buwan sa Olongapo Electricity Distribution Company (OEDC).

Sa liham ni Mayor Paulino kay Jose Maria­ Abaya, presidente ng OEDC, ipinunto ng alkalde na batid nila ang naging pagtaas ng gene­ration system charge mula sa kanilang generation partner. Habang nana­natili naman sa P0.9838 kada kilowatt hour (kWh) ang kanilang distribution system charge.

Mas mataas din umano ang singil sa presyo ng kuryente sa Olongapo kung ikukumpara sa mga kalapit na bayan.

Show comments