Dahil sa cholera outbreak: 2 sitio sa South Cotabato nasa ‘state of calamity’

Ayon kay Barangay Kagawad Roger Maguad, chairman ng Committee on Health ng nasabing barangay, ay ang Sitio Villa Ellaga at Sitio Basag.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Dalawang sitio sa Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato ang isinailalim sa “state of calamity” dahil sa cholera outbreak.

Ayon kay Barangay Kagawad Roger Maguad, chairman ng Committee on Health ng nasabing barangay, ay ang Sitio Villa Ellaga at Sitio Basag.

Nabatid na idineklara ang state of calamity sa dalawang sitio matapos na 60 mga pamilya ang nagkasakit ng cholera.

Lumilitaw na nagsagawa ng water sampling at rectal swab ang Municipal Health Office o MHO-Surallah sa mga nakaranas ng sintomas ng nasabing sakit at nakumpirma na cholera ang sanhi ng pagkakasakit ng mga residente.

Sa resulta ng water sampling dalawa mula sa tatlong pinagkukunan ng tubig ng mga residente ang nakitaan ng bacteria na siyang dahilan ng sakit na cholera.

Maliban rito, nakitaan din ng bacteria ang mga kuhol na kinain ng mga residente na tinuturong isa rin umano sa dahilan sa kanilang pagkakasakit ng cholera.

Show comments