^

Probinsiya

Magkaibigan itinumba ng tandem sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan itinumba ng tandem sa Quezon
Kinilala ni Lt. Col. Arnulfo Selencio, Candelaria police chief, ang mga biktima na kapwa dead-on-the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala nang hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang sina Antonio Ilagan, 32-anyos, isang obrero, at Ericksel Canchella, 27-anyos, jobless, ng Brgy. Concepcion 1, Sariaya, Quezon.
File

CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang magkaibigang magkaangkas sa motorsiklo makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Purok 6, Barangay Mangilag Sur, ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Lt. Col. Arnulfo Selencio, Candelaria police chief, ang mga biktima na kapwa dead-on-the spot dahil sa tinamong mga tama ng bala nang hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang sina Antonio Ilagan, 32-anyos, isang obrero, at Ericksel Canchella, 27-anyos, jobless, ng Brgy. Concepcion 1, Sariaya, Quezon.

Nabatid na galing umano ang mga biktima sa inuman at habang pauwi na ay tinambangan ng dalawang suspek na lulan ng motorsiklo rin sa Barangay Mangilag Sur dakong alas-3:30 ng hapon noong Linggo.

Ayon sa pulisya, bandang alas-3:30 ng hapon habang minamaneho ni Ilagan ang isang Rusi motorcycle at nakaangkas si Rago ay bahagya silang huminto sa gilid ng kalye nang lapitan ng dalawang lalaki na lulan din ng motorsiklo.

Maya-maya ay bumunot umano ng baril mula sa beywang ang suspek at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo ang dalawa at ng kapwa duguang bumulagta ay mabilis na tumakas ang salarin.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng kalibre .45 at super .38 caliber.

Tinitingnan ng mga im­bestigador na may kaugnayan sa droga at alitan ang motibo sa krimen. - Ed Amoroso

vuukle comment

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with