^

Probinsiya

P42 milyong jackpot sa lotto nasolo ng Caviteño

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P42 milyong jackpot sa lotto nasolo ng Caviteño
Batay sa isang PCSO advisory, nabatid na matagumpay na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 07-25-08-03-12-05 ng Mega Lotto 6/45 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P42,282,132.80.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang Caviteño ang solong nakapag-uwi ng P42 milyong jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Batay sa isang PCSO advisory, nabatid na matagumpay na nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 07-25-08-03-12-05 ng Mega Lotto 6/45 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na P42,282,132.80.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Royina Garma, nabili ng masuwerteng mananaya ang kanyang winning ticket sa Tanza, Cavite.

Pinayuhan ni Garma ang lucky winner na upang makubra ang kanyang napanalunang premyo ay magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magprisinta ng dalawang balidong IDs at ang kanyang winning ticket.

Hinikayat muli ni Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang lotto, gayundin ang iba pang PCSO games, upang makatulong sa pamahalaan na makalikom ng mas maraming pondo para sa kanilang health programs, medical assistance and services at mga kawanggawa.

Ang Mega Lotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with