Dayong ‘tulak’ todas sa buy-bust

PILI, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang dumayo pang tulak ng droga matapos na maaresto ng mga pulis sa buy-bust operation sa Nazareth Homes, Brgy. Cadlan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Henry Briquillo Duro, residente ng Zone-3, Brgy.Labao, Libmanan at nasa listahan ng newly identified drug suspect.

Sa ulat, kumagat ang suspek sa inilatag na buy-bust operation ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, Regional Mobile Force Battalion 5 at Camarines Sur Provincial Intelligence Unit. Nang iabot ang biniling isang malaking sachet ng shabu na tumitimbang ng 50-gramo at nagkakahalaga ng P340,000 ay mabilis na inaresto ang suspek.

Maliban sa droga, nabawi sa suspek ang cellphone na gamit sa kanyang iligal na transaksyon at boodle money na ginamit sa buy-bust.

Show comments