_ngayon
^

Probinsiya

2 bandido todas sa engkuwentro!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi makaraang makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa liblib na lugar sa Rizal, Occidental Mindoro ka­makalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni Army’s 2nd Infantry Division (ID) Commander Major Gen. Rowen Tolentino, bandang alas-4:35 ng hapon nang maganap ang bakbakan sa Sitio Ibok, Brgy. Manoot ng bayang ito.

Ayon kay Tolentino, kasalukuyang nagsasagawa ng security patrol ang mga elemento ng 4th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army nang maispatan ang presensya ng mga rebeldeng NPA na nagtatanim ng Improvised Explosive Device (IED) na patibong nila sa tropang gobyerno sa nasabing lugar.

Agad na nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng mga kawal ng pamahalaan at ng mga rebeldeng komunista hanggang sa tumimbuwang ang dalawa. 

Sinabi ng opisyal na mabilis na nagsitakas ang mga rebelde matapos ang mga itong malagasan ng puwersa na naghiwahiwalay ng direksyon patungo sa kagubatan.

Narekober sa encounter site ang dalawang cal. 38 revolvers, limang cartridge ng cal. 38 revolver, dalawang IED, personal na mga kagamitan at mga subersibong dokumento.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with