_ngayon
^

Probinsiya

Mister kinatay ng 78-anyos sa kubo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Tadtad ng saksak nang madiskubre ang katawan ng mister matapos umanong pagsasaksakin ng isang 78-anyos na lolo na kanyang kainuman sa tinutuluyang kubo, kahapon ng umaga sa bayan ng Silang, dito sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeofrey Gane, 52-anyos, magsasaka at residente ng Purok 1, Brgy. Biga 1, Silang, Cavite.

Arestado naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng pulisya na nakilalang si Anthony Madrid, residente sa nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Ramil Legaspi­, alas-6:50 ng umaga nang ma­kita ang biktima ng kapatid nito na si Aimer Rala Gane, 50-anyos, na nali­ligo sa sariling dugo na nakahandusay sa tinutuluyan nitong kubo.

Nabatid na bago ang insidente, nakipag-inuman ang biktima sa suspek sa mismong kubo nito na siyang hinihinalang may kagagawan sa krimen.

SUSPEK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with