2 SAF todas, 4 sugatan sa engkuwentro

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng Special Action Force (SAF) habang apat pa nilang kabaro ang sugatan nang makasagupa ang mga komunistang New People’s Army (NPA) sa Gamay, Northern Samar, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kinilala ang dalawang pulis na nasawi na sina Patrolman Franklin Marquez at Pat. Jimmy Caraggayan habang nilalapatan naman ng lunas sa pagamutan ang apat pang pulis na pawang sumasailalim sa pagsasanay ng Special Action Force Commando Course (SAFCC) ng Philippine National Police.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, alas-7:00 ng umaga nang makaengkuwentro ng mga elemento ng SAF ang ‘di batid na bilang ng mga rebelde sa Brgy. Lonoy, Gamay, Northern Samar.

Nagsagawa umano ng operasyon ang SAF nang makatanggap ng report na namataan ang mga rebelde sa nasabing lugar. Nasawi noon din sina Marquez at Caraggayan at nasugatan ang apat na kasamahan nang pasabugan ng landmine ng mga rebelde.

Show comments