DENR forester nalunod sa ilog

LUCENA CITY , Philippines — Natagpuang patay sa isang ilog sa  bundok ng Sierra Madre sa General Nakar, Quezon ang naiulat na nawawalang Department of Environment and Natural Resources (DENR) forester.

 

Inanunsyo sa Facebook page ng DENR-Calabarzon na natagpuan ang bangkay ni Rigor Santos, 30, ng search and rescue team bandang alas-11 ng umaga sa parte ng Agos river sa Barangay Pagsangahan.

Sa pagkahanap ng mga labi ng forester natapos ang tatlong araw na land and air search and rescue operation na isinagawa ng mga government personnel, volunteers at indigenous people.

Naiulat na nawawala si Santos nitong Oktubre 28 matapos tangayin ng rumaragasang tubig habang tumatawid sa Agos river para makarating sa plantation project na binabantayan niya at ng tatlo pang tauhan ng DENR.

Si Santos ay isang forest monitoring officer na nakadestino sa regional national greening program coordinating office ng DENR sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).Empleyado siya ng DENR sa loob ng walong taon.

Show comments