^

Probinsiya

66 anyos na lola, tinumbok ng motor, tepok

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 66-anyos na lola ang nasawi matapos matumbok ng motorsiklo habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus Cavite, kamakalawa ng gabi.

Patay agad sa insidente ang biktimang nakilalang si  Maria Bartolay Orceo, may-asawa, residente ng Brgy.Buhay na Tubig habang sugatan naman at kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang driver ng motor na nakilalang si Armstrong Albios Pinto, 49.

Sa imbestigasyon, alas-9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa Buhay na Tubig Road kung saan naglalakad  ang biktima sa gilid ng kalsada nang tumbukin ito ng Honda ZN125MK Motorcycle, na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagkakasalpok ay tumilapon ang  matanda habang sumemplang at sumadsad ang motor kasama ang suspek.

Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang biktima habang kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang suspek.

ARMSTRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with