3 tricycle driver itinumba ng tandem

COTABATO CITY, Philippines —Tatlong tricycle drivers ang nasawi nang pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa Brgy. Poblacion, Midsayap, North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ni Lt. Col. Rolly Oranza, hepe ng Midsayap municipal police, ang mga nasawi na sina Nasrudin Mantikayan, 25; Paha Alimoden Ducay, 58; at 29-anyos na si Ryan Usop Bano na agad nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Sa ulat, naghihintay ang tatlong biktima ng kanilang mga pasahero sa kahabaan ng kalsada ng Barangay Poblacion 2, Midsayap nang ­dumating ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo at walang kaabog-abog na sila ay pinagbabaril at agad na tumakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang motibo ng pagpatay sa tatlong biktima.

Show comments