Van nahulog sa bangin: 3 patay, 3 sugatan

Idineklarang dead-on-arrival sa Atok District Hospital sina Andrew Tambuling Dulagan at Charlie Bagsawan Dulagan. Namatay habang nilalapatan ng lunas si Jerald Dulagan.
Graphics/Philstar John Villamayor

BENGUET, Philippines — Tatlong katao ang nasawi habang tatlo ang nasugatan matapos mahulog ang Mitsubishi Delica minivan sa bangin na may 100-metro ang lalim sa Sitio Timbac, Barangay Pacso, Kabayan, ng lalawigang ito.

Idineklarang dead-on-arrival sa Atok District Hospital sina  Andrew Tambuling Dulagan at Charlie Bagsawan Dulagan. Namatay habang nilalapatan ng lunas si Jerald Dulagan.

Nasugatan naman sina Jerry Tauli Dulagan, Honor Tauli Dulagan at Amos Bagsawan Dulagan habang ang ikapitong pasahero na si Jeffrey Bagsawan Dulagan ay maswerteng walang  natamong galos na kapwa mga residente ng Cadatngan, Cattubo, Atok, Benguet.

Batay sa ulat ng pulisya na nawalan ng preno ang sasakyan kung kaya’t nawalan ng control sa manibela ang driver at tuloy-tuloy na nahulog sa bangin.

Mabilis naman rumes­ponde ang mga tauhan ng Kabayan Fire Station, Atok Fire Station, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at tinulu­ngan ang mga biktima na nahulog sa bangin.

Show comments